Sing it Proud but Sing it Right

A Grade 1 Lesson

16 September, 2007- in one boxing match Christian Bautista sang our National Anthem "Lupang Hinirang". Many were just singing it from the heart when incidentally, he skipped a few lines of the song. Bautista admittedly said he was ashamed of what happened, and he was even saddened this happened, but he also apologized and said that it was never his intention to make fun of the National Anthem. He said he was carried away by fear and tension, because of the multitudes watching him and the fight. Because of this, he was harshly judged by some, but after saying sorry, he was forgiven.

Last Sunday, Martin Nievera had the same mistake of singing the National Anthem, although it was not the lyrics, it was the tempo, and the way he sang it. Lupang Hinirang

Let's get back to the basics...

At dahil Pilipino ako, ito ay isusulat ko sa wikang Filipino.

Lupang Hinirang – Ito ang pambansang awit ng Pilipinas. Ang musika nito ay binuo noong 1898 ni Julian Felipe sa wikang Kastila kung saan ang titik nito ay mula sa tulang Filipinas, na isinulat ng isang manunulat-kawal na si Jose Palma noong 1899.

Ang orihinal nito ay tinugtog at sabayang inawit para sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Sa panahon ng pananakop ng Amerika, pinagbawalan itong awitin o tugtugin kasama ang pagkapasa ng Flag Law. Ang batas na iyon ay binago noong 1919 at ang awitin ay isinalin sa wikang Ingles at naaayon sa batas na tinawag itong “Philippine Hymn”. Ito ay isinalin sa Filipino simula noong 1940. Ang paggamit nito bilang ating Pambansang Awit ay napapaloob sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ng 1998. Ang pambansang awit na ito ay mas kilala natin sa ngalang Bayang Magiliw o "Beloved Country", ngunit ito ay pinamagatang Lupang Hinirang.

Lupang Hinirang - "Chosen Land" (Pls. click to listen to correct singing of "Lupang Hinirang" as recommended by the NHI, sung by no less than Lea Salonga.

Sa kahulihan, noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay, pinagtulungang isalin sa Filipino nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo. Sa Mayo 26, 1956, unang inawit ang pambansang awit, ang Lupang Hinirang. May mga kaunti pang pagbabago sa liriko na ginawa noong 1962 at ito ay ang bersyong ginagamit sa kasalukuyan.


Kasaysayan ng Lupang Hinirang

Isang bersyon ng Lupang Hinirang ay ginamit ni Felipe Padilla de Leon bilang inspirasyon niya sa Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas, na pinagawa ng gobyerno noong panahon ng Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Lupang Hinirang ay hindi ang unang pambansang awit na ginawa. Isang kompositor, si Julio Nakpil, ay bumuo ng awit na pinamagatan niyang Marangal na Dalit ng Katagalugan (Honorable Hymn of Katagalugan), na siyang naging pambansang awit ng Katipunan, isang organisasyon laban sa mga Kastila. Ito ang kanilang naging pambansang awit dahil si Andres Bonifacio, ang naglunsad ng Katipunan, ang bumuo ng organisasyon bilang makarebolusyong grupo at tinawag nila itong Republika ng Katagalugan (Tagalog Republic). Ang Katipunan o Republika ng Katagalugan ay sinundan ng Republica Filipina ni Aguinaldo. Sa kalaunan, naging Himno Nacional ang pangalan nito ngunit hindi tinanggap ni Aguinaldo sa dahilang hindi na naipaliwanag ng mga dalubhasa.

Paggamit at Regulasyon

Ayon sa Article XVI, Section 2 ng kasalukuyang Saligang Batas:

"The Congress may, by law, adopt a new name for the country, a national anthem, or a national seal, which shall be truly reflective and symbolic of the ideals, history, and traditions of the people. Such law shall take effect only upon its ratification by the people in a national referendum."

Sa kasalukuyan, ang 1998 Republic Act 8491 o the Flag and Heraldic Code of the Philippines ang siyang nagpapatupad ng mga alituntunin sa paggamit ng Lupang Hinirang. Ang R.A. 8491 ay nagsasabing: Lupang Hinirang "shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe."

Dagdag din ng R.A. 8491 na ang Lupang Hinirang ay dapat awitin sa ating pambansang wika, mapasa-ibang bansa man ito o dito sa Pilipinas.

Ang Pambansang Awit ay tinutugtog at inaawit tuwing may mga pampublikong pagtitipon ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Ayon sa R.A. 8491, naaayon sa alituntunin ng National Historical Institute ang paggamit ng awiting ito. Pinagbabawal ng R.A. 8491 ang pag-awit nito bilang isang “recreation, amusement, o entertainment” maliban sa sumusunod:

1. Sa mga International competitions kung saan ang Pilipinas ang host o representative;
2. Mga lokal na kumpetisyon;
3. Tuwing "signing off" at "signing on" ng mga radio broadcasting at television stations; at
4. Bago ang pag-umpisa ng mga pelikula sa sinehan at iba pang mga theater performances.

Ang isang Pilipino, na magkakamaling suwayin ang batas ayon sa R.A. 8491 ay maaaring patawan ng parusang administratibo, maliban sa parusang pinapataw ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ang babalang ito ay para sa lahat ng mga Pilipino, pribado at pampublikong mga paaralan, at mga unibersidad.

Ngayong alam mo na ang pinagmulan ng ating Pambansang Awit, subukan mong awitin ito at damhin nang may puso ang iyong inaawit. Alalahanin mong marami ang naging karanasan ng Pilipinas upang makamtan ang kalayaan nito, at parte ng kalayaang ito ang pag-awit ng ating Pambansang Awit. Tumayo tayo ng matuwid bilang paggalang sa awiting ito, ilagay ang kanang kamay sa dibdib at isapuso ang titik ng pinaka-mahalagang awitin sa buong Pilipinas, ang Lupang Hinirang.

Hindi man tama ang pagkanta ni Martin Nievera ng awiting ito, naiintindihan ko siya na mula sa puso ang pag-awit niyang iyon, pero wala siyang karapatang baguhin ang anuman ang nakasaad sa batas kung saan naaayon doon ang tuntunin paano awitin ang ating pambansang awit. Tama nga, nga kung ang simpleng batas lamang na ito ay hindi na natin masunod, ano pa kaya ang mga mas mahahalagang batas ng bansa.

Ang ayaw ko lang kay Martin Nievera, he made it very clear in his statement: "I don't want to say sorry for something I was not sorry for."

Comments

Lantaw said…
I dont like Martin, period :D
Lito Antoque said…
dapat nagpakumbaba na lang si martin sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin...
at sana itoy maging isang leksiyon sa susunod pang kakanta ng lupang hinirang...
Samara Fae said…
Well yeah I thought it was okay since the tempo was a marching song. Pero sa bandang huli.. he changed the tone~ I like his rendition although he did not stay loyal to the anthem. But oh well, what he did is what he's done ... masyado lang rin malaki tingin nya ano -- he got the nerve. Well, it's Martin anyway. He's proud of his own rendition kaya he's not sorry about anything. Pffff~
RedLan said…
Hindi ko napanood ang time na kumanta si Martin. Hmmmm. Late ata ako sa balita.
princess_dyanie said…
ok naman sya sa umpisa eh kaso biglang bumirit sa huli.
kg said…
kung ganun naman kasi, bakit hindi na lang nila kantahin kung panu sya natin kinakanta normally? lahat kasi sila ganun, iniiba ang tono at tyempo. di naman kailangang bumirit eh.
Kayni said…
i think he should just apologize. it's the Philippine National Anthem we're talking about. I really think that these singers, not only Martin, should stop putting their own rendition when singing the national anthem. this is the song of a nation not a song that they can just change and own.
Reena said…
when i heard martin sing the national anthem last sunday, i already knew he was going to be reprimanded. hehe. i'm aware of that law and he clearly violated it. but if you noticed, NHI actually had a video clip right after that singing incident where in they approved it daw. i'm not sure if ako lang nakapansin nun. so i actually thought it was pre-approved.

anyway, i heard him say that line nga, that he won't be saying sorry, etc etc on Dos por Dos.

What really bothered me most was when he said that the opinions of others mattered more. I mean when it comes to nationalism, does the opinion of his fans or even Pacquiao's team matter? He and the rest of the artists really should be careful and they should actually be at the forefront of keeping national pride and conservation, right?

On the other hand, i also think NHI or maybe even DepEd should start informing the entire nation about these things.

Have you guys seen the weigh in days before the fight? Our natonal flag was incorrectly hanged. PLus, sorry to Francis M and his fans, none of us should be wearing the flag (as seen in many of his jacket and shirt design.) It's all very disrespectful...

Sorry, ang haba na. hahaha....sigh
Heart of Rachel said…
I didn't like the way he sang the National Anthem. I still prefer the classic way of singing it.
Rico said…
I just don't get how artists make singing something like Lupang Hinirang is so hard. They go through all the trouble of adding their own "signature" to the song when in the end they will have this bad rep. They'd rather be called GUNGGONG than sing it right.
escape said…
hirap lang kasi may batas. kaya dapat sinunod at nalaman ko na kinausap pa pala siya ni ryan cayabyab bago niya inayos ang kanta.

i think he already apologized.
mordsith said…
Do NHI always reprimand those who disobey these laws? I've never heard of them until now, and I've seen so many violations regarding the flag and the anthem. Honestly, I also want to have that Adidas Philippine jacket, and I wouldn't mean any disrespect to the flag if I wear it. bad ba ko? :)
upto6only said…
kasi naman pwede cyang kantahin sa normal nyang beat eh inaartehan pa nila. the simplier the better as adds meaning to the song. hindi naman kailangan artehan ang isang kanta lalo na kung isa itong national song.
Anonymous said…
Aba, marami akong natutunan dito ah! Naalala ko yang pagkanta ni Christian Bautista na yan, at ilang araw pagkatapos dun pinalabas sa Jessica Soho report ang isang maikling dokyu tungkol sa pambansan awit at ang pagkakaalam ng mga ordinariyong Pilipino dito. Nakakalungkot, pero marami sa mga Juan dela Cruz na pinakanta sa harap ng kamera biglaan, ang hindi alam ang tamang mga salita, o ni hindi man lang nabuo ang kanta.

Dahil sa mahilig ako sa batas at nakatatak sa utak ko na dapat sinusunod ito, sa palagay ko hindi nga dapat binago ni G. Nievera ang kanta. Kung masusunod ang batas, dapat ay may kaukulang parusa siya o sinumang sumuway nito, pero lagi naman, sa bansang ito, may nasusulat na batas na hindi naman naipapatupad. Kailan lang nakita ko sa balita na isinusulong ng ilang kongresista na mabago ang batas---na maari nang bigyan ng mang-aawit ng kanyang sariling timpla ang pambansang awit basta't mananatili ang tono at titik nito. Kung tio man ay maaprubahan, tingnan na lang natin. At kung ito man ay maipapatupad, hindi ko lang alam.

Yay! Tagalog!
jeanny said…
akala nya siguro nag ko-concert sya.
Sobrang yabang nya when he na kaya maraming nagagalit sa kanya dahil takot sila sa changes...hello pambansang awit kaya yung kinanta nya at hindi revival song....kamote sya talga.
Michael Peligro said…
Okey naman pagkakanta ni Martin ng Lupang Hinirang. Inspiring and builds up from the slow start to a screaming crescendo. Iyon nga lang, may batas pala na dapat sundin. E di dapat sumunod si Martin sa batas. Dahil di niya sinunod ang batas, aba e dapat siyang kasuhan.

Shame on Martin for not listening to Ryan Cayabyab. Nag-warning na si Ryan at the start na baka magalit ang mga tao sa kanyang gagawing pagkanta. Turned out na tama si Ryan.

Kung gusto ni Martin ng kanyang sariling version, gumawa na lang siya ng video at i-post sa youtube.

By the way, dapat sundin ng National Historical Institute (NHI) ang tamang process sa halip na magrereklamo na lang after the fight. Before pa kumanta si Martin, dapat kausapin na nila sa Martin at pakinggan ang kanyang pagkanta. Kung di boto ang NHI, sabihan nila si Martin na palitan ng iba, para naman pagdating ng fight e tama na ang kakantahin at wala ng reklamo. Ang problema sa NHI e wala naman silang ginawa before the fight, di nila tinawagan si Martin.

Ang daming kuskos balungos sa isyu na ito. Simple lang naman sana ang solusyon...(sigh)...
Michael Peligro said…
Mas maganda sigurong baguhin na lang ang batas tungkol sa pagkanta ng "Lupang Hinirang". Ilagay sa batas na bago kumanta ang singer e mag-audition muna siya ng kanyang version sa NHI. At kung ano ang advice ng NHI ay iyon ang masusunod.

Puwede ring isabatas na bigyan ang singer ng artistic freedom to interpret the song on their own.

Personally, gusto kong may "techno" version ang Lupang Hinirang at si Gary Valenciano ang kakanta, o di kaya "rock" version at si Bamboo ang kakanta, hehehe...
Anonymous said…
ang ayaw ko lang kay martin ay para siyang diva-ish masyado lalaki pa naman siya LOL sa tingin ko pinoy lang ang gumagawa ng pagbabago ng national anthem sa di ko pa mapinpoint na dahilan hay nako.
iluvgreen said…
ola sheng!1 watch up watch up? anyway nde ako mag comment s post mo, just wanted to say hi, hope everything is well you and the family
Bette said…
dami nega reactions abt it 'no? hindi ko siya napanood nung fight. nahuli ako ng bukas ng TV. actually yung pagkanta talaga niya ang inaabangan ko kasi may nabasa ako somewhere na sinabi nga niya na binago daw niya ang tempo. para raw ma-hype, ma-excite ang audience. too bad, eto ang naging result. at nilait pa siya lalo kasi si sir tom jones ang kumanta sa kabila at ang galing daw.
Toni said…
Inis ako sa kanya! Bakit kasi niya inarte-arte pa kasi eh. Hmph. At may statement palang ganon? (Referring to the last line). Wow naman. Kainis lalo!
ms firefly said…
i was feeling all patriotic pa naman and excited at the start of the fight, i wanted to sing the lupang hinirang too along with him, kasi nga, sobrang miss ko na ang pilipinas. tapos pala, di ko masundan ang simula't huli ng pag-kanta niya. ^-^

on another note, kung ganyan ka passionate ang gobyerno natin sana sa LAHAT ng issues ng pilipinas, eh, malamang, umasenso din tayo. kaya lang, yung gusto lang nilang busisiin ang pinag-uusapan, pero yung mas malalaking problema, nagbubulag-bulagan. hayyyy. like pollution, trapik, krimen, corruption, mga kaskaserong drivers na walang disiplina sa daan...........ok tama na. ayoko nang mag reklamo! hehe

basta happy na ako, nanalo si pacman! weeee!!!!

Popular posts from this blog

Warning! Allergic Reactions Appear

Famous Cultural Landmark in Surallah, South Cotabato

The First Ever Traditional B'laan Wedding Ritual I Witnessed