Panahon Ko Ito, Panahon Mo Rin Ba?
Ikaw ay ipinanganak noong 1970s-1980's kung...
1. Nakapanood ka ng Voltes 5, Daimos, Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung anu-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Nanonood ka ng Dayuhan, at tuwing naglalaro kayo ng mga kaibigan ay taas-kamay mo din silang sinusundan ala-Dayuhan.
2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. Kumakain ka ng I Won, Iwon at masaya sa nakukuhang .25 cents sa loob nito.
3. Naglalaro ka ng Langit-Lupa- Impyerno, Washington, Entrance, Jolens, Sipa, Touch the Body, Monkey-Monkey, Prikidam 123, Land-Water-Air-Go, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung anu-ano pang larong nakakapagod.
4. Pumupunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream.
5. May malaking away ang mga METAL at mga HIPHOP Nag-aabangan sa labas ng skul na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!"
6. Alam mo ang universal Electrolux song na "I’m gonna knock on your door, ring on your bell, knock on your window too…I’m your friendly Electrolux man".
7. Nakapanood ka ng Batibot at kilala mo si Bolang Kristal.
8. Nakipag-away ka para makapaglaro ng Brick game dahil napag-iwanan na ang Tamagotchi at Game and Watch.
9. Nakapaglaro ka ng Super Tramp Cards, kung saan pataasan kayo ng power ng sasakyan na makikita ang specifications sa likod nito.
10. Kilala mo ang mga sikat na wrestlers na sina Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa
muscle.
11. Nagsayaw ka ng Running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This, Mga kababayan ko.
12. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group.
13. Napaligaya ka ng maraming Pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl , The Dawn, Alamid, Wolfgang, Siakol, at ang sikat na sikat na Eraserheads.
14. Kilala mo ang 14K pero mas gusto mo ang Smokey Mountain.
15. Sinusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing hapon o umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo.
16. Nakabili ka ng Coke na 500 ml. sa halagang P3, wala pang Litro at ang pinakamalaki ay ang Family Size?
17. Alam mo kung ano ang Velvet Ice Cream, at ito ang pinakapaborito mo sa lahat ng nilalakong ice cream sa kalsada.
18. Lagi kang bumibili ng kending mani na Bobot dahil sa singsing na kasama dito.
19. Kilala mo si Rainbow Brite at naniniwala ka na sa rainbow nga siya nakatira, at kung ituturo mo ang dulo ng rainbow ay mapuputulan ka ng daliri.
20. At higit sa lahat, alam mo ang ibig sabihin ng "Taym Pers!"
Ako, inaamin ko, panahon ko ito, at napagdaanan ko ang lahat ng ito.
Comments
(baka naman hindi nationwide dati ang candies na yun? saka yung nano-nano, parang limot ko o di ko talaga alam! pero yung super tramp and the rest, solb ako dyan! ngunit di naman nakipag away sa brick game!)
happy easter, sheng!